PONDO SA INFRA PROJECTS, ILABAS NA-SADAIN

HINIKAYAT  ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Kongreso na gawing prayoridad ang paglalabas ng pondo para sa konstruksiyon ng malalaking ticket infrastructure projects upang matiyak ang agarang implementasyon ng mga programa at proyekto para sa mas mabilis na economic development nationwide.

Ayon kay DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain, ang infrastructure development ay isa sa priority areas ng administrasyong Marcos at nangakong ipatutupad ang mga significant at vital infrastructure projects, gaya ng konstruksiyon ng mga bagong kalsada, paaralan, at pagamutan, at proteksiyon at pagsusulong ng kapakanan ng mahihirap at marginalized sectors, at iba pa.

Ang kasalukuyang konstruksiyon ng 15 foreign assisted Infrastructure Flagship Projects (IFPs) na ipinatutupad ng departamento ay nananatiling ‘on track,’ para sa completion nito sa pagtatapos ng taong 2024 at 2025, habang ang implementasyon para sa Detailed Engineering Design (DED) ng iba pang big ticket projects ay nakatakda na ring magtapos sa susunod na taon.

Kabilang sa ongoing projects sa ilalim ng DPWH na nagkakahalaga ng P4.84 trilyon ay inaasahang makukumpleto bago matapos ang 2024 at kalagitnaan ng taong 2025, habang ang iba pang 27 mega projects na nagkakahalaga ng P869.69 bilyon ay nasa pipeline na rin.

Ang ilan pa sa mga proyekto na sumasailalim sa Detailed Engineering Design ay ang Metro Manila Bridges Project; Cebu-Mactan Bridge at Coastal Road; New Manila International Airport; at ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines, at iba pa.

Sumasailalim naman sa financing processing ang Davao City Expressway; Ambal-Simuay River at Rio Grande de Mindanao River Flood Control Projects; at LRT 2 West Extension, at iba pa.

Ang mga sumasailalim naman sa procurement ay ang Panay-Guimaras Negros Bridge Phase 1; Cebu Bus Rapit Transit; New Cebu International Container Port; at EDSA Greenways.

Ani Sadain, ang ongoing construction ng Davao River (Bucana) Bridge sa Davao City ay mabilis nang nagkakahubog, at may nakamit na ring mahalagang milestones.

Sinabi ni Sadain, in-charge sa DPWH infrastructure flagship, na ang bilang ng mga infrastructure flagship projects (IFPs) sa ilalim ng kasalukuyang “Build, Better, More” initiative ay naging 25 na ngayong taon.

Sa House Organizational Meeting ng Committee on Flagship Programs and Projects, sinabi ni Sadain na tatlo pang IFPs ang nakumpleto na rin sa unang kalahatian ng taon.

Dahil dito, ang nakumpleto nang IFPs ay 15 na mula sa kabuuanh 119, mula sa 12 lamang na naiulat ng DPWH noong Qbril ng taong ito.

Ang tatlong mga newly completed projects ay ang P7.505-billion Flood Risk Management Project sa Cagayan, Tagoloan, at Imus Rivers; ang P5.947-billion China grant-funded Metro Manila Logistics Network (Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros Bridges); at ang P9.759-billion LRT-2 East Extension Project.

Mayroon din 10 IFPs na malapit ng matapos sa Disyembre, na kinabibilangan ng P4.573-bilyon Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase 5 (92.73% complete), ang P4.497-bilyong Chico River Pump Irrigation Project (87.64% complete, partially inaugurated on June 25, 2022), at ang P4.798-billion Bicol International Airport Development Project (97.328%, inaugurated on October 6, 2021).