POOLED COVID-19 TESTING SA CONSTRUCTION, FACTORY WORKERS

TARGET ng private sector-led Project ARK (Antibody Rapid Test Kit) na magkaloob ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing sa mga manggagawa sa construction at manufacturing sectors, gayundin sa mga uuwing overseas Filipinos.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nagsasagawa na ng pagsasaliksik ang Project Ark sa pooled testing, at ang preliminary results ay ilalabas sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay Concepcion, ang kanilang research team ay nagsasagawa ng 5,  10, at 20 samples per kit upang matukoy kung anong pooled testing ang mas accurate.

Aniya, ang pooled testing ay magiging game-changer sa testing activities sa bansa dahil maaari nitong i-test ang mas maraming tao sa murang ha­laga habang ginagamit ang gold standard sa coronavirus disease 2019  (COVID-19) testing.

“We have to bring back the confidence to the Filipino people that we are in control of the health situation,” wika ni Concepcion.

Dagdag pa niya, inaasahan na ang pagtaas ng mga kaso habang pinalalawak ng bansa ang tes­ting capacity nito.

“We will know and identify where the problem is, then isolate, trace, and control the infection. Without testing we will not be able to control the health situation in the country,” aniya.

Bukod sa RT-PCR testing na ginagawa ng pamahalaan, ang pribadong sektor, sa pamamagitan ng Project ARK, ay gumastos ng  PHP400 million hanggang PHP500 million para sa 1.3 million rapid test kits (RTKs) upang i-test ang mga ­empleyado ng 350 kompanya.

Ang Project ARK ay nakipag-partner din sa 70 local government units sa bansa para sa COVID-19 testing gamit ang RTKs,                     PNA