UMAAPELA ang Population Commission (Popcom) sa publiko na magtulungan para sa pagbaba ng bilang ng mga maagang nabubuntis o teenage pregnancy.
Ayon kay Undersecretary Juan Antonio Perez III ng Popcom, bukod sa pagdami ng mga kaso ng teenage pregnancy ay nakababahala rin ang problema pagdating sa kalidad ng buhay ng mga pamilyang may batang magulang.
“Ang nakababahala rito ay ‘yung mas bata na nanganganak, wala pa silang ganong kagandang ekonomiya, ‘yung kabuhayan, ang kabuhayan ng pamilya na menor de edad ang magulang ay napakababa ng oportunidad,” ani Perez.
Samantala, inaasahan din si Perez sa Department of Education (DepEd) at mga local government units (LGU) hinggil sa tamang paggabay sa mga kabataan.
“Inaasahan namin na tutulong dito ‘yung mga guro natin, ‘yung ating Department of Education na maibigay ang kaalaman sa ating kabataan. Pero inaasahan din namin ang mga komunidad and local government na tignan na magbigay ng serbisyo, ng tulong sa mga pamilya ng batang ina,” ani Perez. DWIZ882