POPCOM NAIS PANATILIHIN ANG 1% PAGTAAS NG POPULASYON KADA TAON

IGINIIT ng Commission on Population and Development (Popcom) nitong Miyerkoles na nilalayon nitong panatilihin ang taunang paglaki ng populasyon ng Pilipinas sa humigit-kumulang 1 milyon o 1 porsiyento.

Ang populasyon ng Pilipinas ay lumago ng humigit-kumulang 0.9 porsiyento noong 2020 at 0.4 porsiyento noong sumunod na taon, ani Popcom Executive Director Juan Antonio Perez III.

“I don’t expect that it will stay that low kasi bumabalik na iyong ekonomiya, nagiging mobile na ulit iyong mga tao (because the economy is opening up, people are getting more mobile). I expect population to growth to again go up. But we hope it will stay at around 1 percent,” ayon kay Perez.

“That is a manageable and stable population that will help government achieve… poverty reduction, iyong kagutuman mabawasan dahil hindi na nadadagdagan ng malaki iyong mga bilang ng mga pamilya,” dagdag pa niya.

Bago ang pandemya, ang populasyon ay tumaas ng humigit-kumulang 1.5 milyon bawat taon.

“What we are aiming for [is] a population growth of around 1 million every year,” dagdag pa niya.

“Medyo malaking programa ito at kailangan, lalo na ngayong darating na taon, ang collaboration with local governments because sila ang nagde-deliver mainly ng services,” ayon kay Perez.
LIZA SORIANO