MATAPOS bumisita sa United Arab Emirates (UAE) ay nakatakda namang bumisita si Pope Francis sa Morocco para makipagpulong sa mga migrant.
Kasama sa bibisitahin ni Pope ang training insitute for Imam sa Marso 30 hanggang 31.
Ang naturang center ang tagapagtanggol kontra sa Islamic extremism sa North African nation.
Sa abiso ng Vatican, gaganapin ang pakikipagpulong ng Santo Papa at mga migrant sa Vaticans Caritas Charity sa Rabat na capital ng Morocco.
Nais din bisitahin ng Santo Papa ang isang social center sa labas ng Rabat.
Matatandaang matagal nang nilalabanan ng Morocco ang Islamic extremism.
Comments are closed.