POPE FRANCIS HINIMOK ANG PAGKAKAISA NG LAHAT

POPE FRANCIS

NASILIP ni Pope Francis ang kakulangan ng pagkakaisa  ng  mga mamamayan sa buong mundo kaya sa kanyang unang homily para sa New Year’s mass  ay  hinimok ang lahat na magkaisa.

Isinagawa ang New Year’s mass sa St. Peter’s Basilica at sinabi ng Santo Papa na bagamat “completely connected” ang publiko sa bawat isa dahil sa makabagong teknolohiya ay mistulang  “increasingly disjointed” pa rin  ang bawat isa.

Hinimok ni Pope Francis ang mga Katoliko na pahin­tulutan ang sarili na maging katulad ng isang anak na inaakay ng isang ina dahil sa pamamagitan nito ay makikita natin ang reflection ng Diyos gayundin ang kalangitan.

Pinuri rin ng Santo Papa ang pagmamahal ng lahat ng ina  na pundasyon  ng sangkatauhan  at  gamot sa pagkakawatak ng mundong puno ng kapighatian.

“A world that looks to the future without a mother’s gaze is shortsighted. It may well increase its profits, but it will no longer see others as children. It will make money, but not for everyone. We will all dwell in the same house, but not as brothers and sisters,” pahayag pa ni Pope Francis.

Taon-taon ay nagdaraos ng banal na misa si Pope Francis sa St. Peter’s Basilica. AIMEE ANOC