POPE FRANCIS KASAMA SI CARDINAL TAGLE SA ASIA-PACIFIC TOUR

SI Cardinal Luis Antonio Tagle ang kasama ng 87-anyos na si Pope Francis sa kaniyang Asia-Pacific tour sa apat na bansa.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Cardinal Tagle ang mga larawan kung saan makikita ang pag-alis nila sa Flumicino Airport sa Rome, Italy.

Makakasama rin ni Pope Francis ang iba pang delegates patungo sa Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore.

Ang Asia-Pacific tour ng Santo Papa ay tatagal ng 12 araw. Nakatakda silang bumalik sa Rome sa Setyembre 13.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang  nasa Jakarta, Indonesia sina Pope Francis.