POPE FRANCIS KINONDENA ANG PAGGAMIT NG NUCLEAR WEAPON

Nuclear

KINONDENA  ni Pope Francis ang epekto ng paggamit ng  nuclear weapons at ng tumataas na  arms trade  sa kanyang  paggunita sa epekto ng Nagasaki atomic bomb.

Sa kanyang pagbisita sa lungsod na winasak ng nuclear attack  noong Agosto 1945, sinabi ng Santo Papa na hindi sagot ang nuclear weapons  sa hinahangad na seguridad, kapayapaan  at katatagan.

“Indeed they seem always to thwart it,”  pahayag nito.

Tinatayang  nasa  74,000  katao ang nasawi sa  atomic bomb  na ibinagsak sa   lungsod, tatlong araw   matapos ang unang  nuclear attack sa Hiroshima at kumitil ng   140,000 katao.

“This place makes us deeply aware of the pain and horror that we human beings are capable of inflicting upon one another,”  pahayag ng Santo Papa sa kanyang unang araw na pagbisita sa Japan.

Daan-daang katao ang  nakinig sa talumpati ng Santo Papa kahit umuulan.

Nag-alay din ito ng bulaklak  at nagdasal sa gitna ng ulan.

Ang  Argentine pontiff  ay  nasa Japan at masaya ito dahil natupad na ang kanyang matagal nang  pinapangarap  na makapag-preach sa lugar  na nais nitong bisitahin  nang ito ay bata pang misyonero.

“I don’t know if you are aware of this, but ever since I was young I have felt a fondness and affection for these lands,”  pahayag ng Santo Papa pagdating nito sa Japan.

Bumalik sa Tok­yo kahapon, araw ng Linggo ang Santo Papa at ngayong araw ay nakatakdang makipagkita sa mga biktima ng tatlong trahedya sa Japan  kasama ang  2011 lindol, tsunami at nuclear meltdown.

Nakatakda rin magmisa sa Tokyo baseball stadium si Pope Francis   at makikipagkita kay Japanese Emperor Naruhito.

Comments are closed.