MAGING si Pope Francis ay nagpahayag ng pagkondena sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa kamay ng mga pulis sa Minneapolis sa Amerika.
Ayon sa Santo Papa, ipinagdarasal nito ang pagkasawi ng biktima at ang racism na nagaganap sa Estados Unidos.
Aniya, hindi dapat kinukunsinti at hindi dapat magbulag-bulagan sa nangyayaring racism.
Gayunman, hindi rin naman sinasang-ayunan ng Santo Papa ang nangyayaring kaguluhan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng Amerika dahil wala umanong mapapala ang mga tao rito at lahat ay maikokonsiderang talo. DWIZ882
Comments are closed.