(Pope Francis nanawagan sa mga guro at magulang) BULLYING SA SCHOOL AT SA HOUSE IPATIGIL

Nanawagan si Pope Francis sa mga magulang at guro na gumawa ng mga pa­raan upang matigil na ang bullying hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa mga tahanan.

Sa kanyang speech sa Vatican nitong Sabado, hinikayat ni Pope Francis ang nakikinig na nasa 2,000 Italians na mga guro, edukador, at magulang na labanan ang bullying na walang maidudulot na mabuti.

“If, at school, you wage war among yourselves or engage in bullying, you are preparing for war, not for peace,” saad ni Pope Francis.

Pinuri naman ng Santo Papa ang pagsisikap ng mga paaralan upang itaguyod ang kapayapaan na  mahalaga para sa isang mas makatarungan at nagbubuklod-buklod na lipunan para sa lahat.

Binanggit din ni Pope Francis ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga pamilya na nakatutulong  upang lumago ang bawat isa bilang mabuting indibidwal.

“It is dialogue that makes us grow,” ayon pa rito.

ALIH PEREZ