INAMIN ni Pope Francis ang pinirmahang resignation letter na ilalabas sakaling lumala ang kanyang sakit at mabigo nang gampanan ang kaniyang tungkulin.
Ayon sa Santo Papa, 2013 pa nang pirmahan niya ang nasabing sulat na ibinigay niya sa noo’y Vatican Secretary of State na si Cardinal Tarcisio Bertone.
Dahil sa resignation ni Bertone noong 2013, hindi na alam ng Argentinian Pope kung saan niya isinumite ang nasabing sulat.
Ginawa rin aniya ng mga dating Santo Papa na sina Paul 5th at Pious 12th ang kanyang ginawa sakaling magkaroon ng permanenteng sakit at maging baldado. DWIZ882