POPE FRANCIS, UMAPELA LABAN SA MALAWAKANG BENTAHAN NG ARMAS

POPE FRANCIS

HALOS madurog ang puso ni Pope Francis sa trahedyang sinapit ng 19 na mga bata gayundin ng kanilang dalawang guro sa mass shooting sa isang eskuwelahan sa Estados Unidos.

Sa kanyang lingguhang pagharap sa publiko sa Roma, ibinahagi nito ang kanyang panalangin para sa mga nasawi sa insidente at kanilang mga naulilang pamilya.

Mariing tinuligsa ni Pope Francis ang patuloy na arms trafficking o ang bentahan ng mga armas kaya’t kanyang iginiit na ito’y matuldukan.

Naniniwala ang Santo Papa na kung mapipigil na ang pagpupuslit ng mga armas ay hindi na mauulit ang katulad na trahedya.

“I am praying for the children and adults who were killed, and for their families. It is time to say enough to the indiscriminate trafficking of arms. Let us all commit ourselves so that such tragedies can never happen again,” ayon sa Santo Papa.

Maliban sa mga bata at guro, napatay rin sa insidente ang 18-anyos na suspek. Jeff Gallos