NANANAWAGAN si Pope Francis na wakasan na ang karahasan at mga pagkamatay ng sibilyan sa North Kivu, isang probinsya sa eastern Democratic Republic ng Congo na labis na naapektuhan ng digmaan.
Nasa pito ang nasawi matapos magprotesta ang ilang indibidwal laban sa pagtaas ng mga mapaminsalang atake ng mga pinaniniwalaang rebeldeng Islamist.
Ayon sa Santo Papa, patuloy pa rin ang masasakit na balita ng mga pag-atake at pagmasaker sa silangang bahagi ng Democratic Republic ng Congo kaya nananawagan siya sa mga awtoridad at sa international community na gawin ang lahat ng posible para matigil ang karahasan at protektahan ang buhay ng mga sibilyan.
Muli ring nanawagan ang Santo Papa para sa kapayapaan sa Ukraine, Israel at sa mga teritoryo ng Palestinian, Sudan, Myanmar at saanman na nagdurusa ang mga tao dulot ng digmaan.