MATAPOS ang kanilang unang tagumpay sa pagsubok sa expo, nagdesisyon ang team sa likod ng sikat at dinaluhang Cavite Travel and Tours Expo (CTTE) na muling gawin ito sa pangalawang pagkakataon, dahil sabi nila, “the iron is hot.”
Nakahanda na ang Isla Events sa kanilang pangalawang handog, at ngayon ay layon na itaguyod ang mga lutuin sa Cavite at marami pa, sa kanilang tatlong araw na exhibit na tinawag nilang “Cavite Food and Culinary Expo 2019”, na magaganap sa Hulyo 26 hanggang 28.
“We will showcase popular food businesses, as well as the start-ups, small enterprises for a healthy collaboration,” sabi ni Project Director Jonalyn Agrazada kamakailan.
Layong itaguyod at iangat ang probinsiya, ganundin ang nakikitang magandang hinaharap ng lutuin sa rehiyon, target din ng okasyon na palawakin ang oportunidad sa mga maliliit na negosyo.
“The event will serve as a venue where they can reach out to their target publics, avail of various skills re-tooling and upgrade training, network with other businesses, and get to know the various programs offered by financial institutions as well as concerned government agencies,” sabi pa niya.
Plano ng mga nag-oorganisa na nasa isip nila ang mga mahihilig sa pagkain at mga lutuin na handugan ang mga ito ng maraming mapagpipiliang pagkain at mga eksperto sa pagluluto na magbabahagi ng kanilang kaalaman, sa isang okasyon lamang.
“It promises to be a bigger, better staging. So, a teaspoon of this, and a basketful of that, who knows what opportunities we can cook up,” sabi niya. PNA
Comments are closed.