POPULAR NA PINOY FAST FOOD NASA VIETNAM NA

jollibee in vietnam

NAGPALAWAK na ng kanyang presensiya ang Homegrown fast-food giant Jollibee Foods Corp. (JFC) at naglagay na ng kanyang sangay sa Vietnam kasabay ng plano nitong magtayo ng 20 hanggang 30 bagong tindahan bawat taon.

“We look at the population of Vietnam which is close to 95 million, about the same in the Philippines and still fast-growing market so there is a lot of opportunities,” pahayag ni JFC Chief Executive Officer Ernesto Tanmantiong sa isang panayam kamakailan.

Positibo si JFC Chairman Tony Tan Caktiong na kayang tularan ng Vietnam ang merkado ng Filipinas.

Hanggang nitong Marso 31, 2019, ang JFC ay nakapagpapatakbo na ng 421 restaurant outlets sa Vietnam, kasama ang Jollibee brand —117; High-lands Coffee – 284; PHO24 -18; at Hard Hard Cafe -2.

Sa ngayon, ito ay nagpapatakbo ng 3,141 restaurants outlets sa Fi­lipinas.

Samantala, sinabi ni Tan Caktiong na ang kompanya ay may planong dalhin ang kanilang joint venture sa likod ng Highlands Coffee brand sa stock market ng  Vietnam.

“We are looking into that we’re reviewing that timetable. We’re looking at the entire business,” dagdag niya. “The business by the way is doing very well. It’s one of our fastest growing businesses and one of the most profitable in terms of margin and one of the highest returns on investments.”

Ngayong 2019, tini­tingnan ng JFC ang pagbubukas ng  500 stores sa buong mundo, kalahati nito ay nasa Filipinas at ang ibang natitirang kalahati ay sa ibang bansa.     PNA

Comments are closed.