POPULASYON SA BAWAT BARANGAY PINALILIMITAHAN SA 15K

Chairman Robert Ace Barbers

IMNUNGKAHI ng isang ranking Mindanaoan lawmaker ang pag-amyenda sa probisyon ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code partikular ang paglilimita sa kabuuang bilang ng mga residente sa bawat barangay.

Sa kanyang inihaing panukalang batas, nais ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at 2nd Dist. Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na maging hanggang 15,000 lamang ang populasyon ng isang barangay partikular sa iba’t-ibang mga urban area sa bansa.

Kung nasertipikahan ng  Philippine Statistics Authority (PSA) na labis sa inirerekomenda niyang bilang ang mga mamamayan ng isang barangay, sinabi ng kongresista na magiging basehan ito para lumikha ng panibagong barangay unit.

Ayon kay Barbers, pangunahing dahilan sa panukala niyang ito ang mga naging karanasan sa umiiral ngayon national health emergency kung saan marami ang nagrereklamo na hindi sila nabigyan ng tulong at pagdadahilan naman ng ilang lokal na opisyal na masyado umanong malawak at maraming residente ang kanilang nasasakupan kaya hirap sila.

“This measure would bring great relief to both the local governments and the people, particularly in the management of people and resources during natural or man-made calamities, including times of pandemic like the Covid-19,” pahayag pa ng Surigao del Norte solon.

Sa ilalim ng Section 386 ng RA 7160, nasa 2,000 inhabitants ang minimum requirements sa pagbuo ng isang barangay at 5,000 population naman sa Metro Manila at iba pang tinaguriang metropolitan areas at highly-urbanized cities.

Ani Barbers, sa pagtaas ng bilang ng populasyon ng Filipinas nadaragdagan din ang mga naninirahan sa mga barangay kung saan may mga lugar pa umano na aabot sa 200,000 ang residente ng isang barangay sa urban areas.

“Consequently, the number of inhabitants requiring barangay assistance varies significantly. In times of disasters and emergency situations, such as the Covid-19 pandemic, where barangay officials are expected to be the first responders, barangays with high population density experienced more difficulties in reaching out to their constituents,” sabi ng mambabatas.

“If my proposal is enacted into law, it would benefit the national and local governments, particularly the barangays. Government assistance and programs in the grassroots level can be carried out faster and easier, particularly in the implementation of the National ID system and during natural or man-made calamities, including pandemics like the Covid-19,” giit pa niya.

Bukod sa magiging madali ang pagkakaloob ng serbisyo at tulong kung limitado ang kanilang mga residente, naniniwala si Barbers na magagawa rin ng mga barangay na epektibong maipatutupad ang kanilang peace and order at anti-illegal drugs campaign. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.