PORK BAN IIRAL NA SA BUONG MINDANAO  — CEBU GOV

Cebu governor Gwendolyn Garcia

PAIIRALIN na ang ban ng pork sa buong Mindanao  matapos na maglabas ng kautusan si Cebu governor Gwendolyn Garcia na palawigin sa buong Mindanao ang pagpapatupad ng 90-araw na pork ban dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Garcia, kabilang sa ipinagbabawal na makapasok sa Min­danao ang mga pagkaing gawa at may halong baboy.

Samantala, binabalaan din ang mga local pork producer sa Cebu kaugnay sa mahigpit na pagbabawal sa pagtataas ng presyo ng kanilang produkto habang ipinatutupad ang 90-araw na pork ban sa buong Mindanao.

Dahil sa ASF

PINATAY NA BABOY SA DAVAO OCCIDENTAL HIGIT 200,000 NA

UMABOT na sa mahigit 200,000 baboy ang pinatay sa Davao Occidental dahil sa African Swine Fever (ASF).

Sinimulan ang depopulation ng lahat ng baboy sa Davao Occidental sa bayan ng Don Marcelino-–ang ground zero ng ASF sa Min­danao, kung saan nasa P6,000 ang nasawi dahil sa ASF.

Ayon kay Dr. Ronnie Domingo ng Bureau of Animal Industry, sa nasabing bilang, 16% lamang ang nagpakita ng sintomas ng ASF subalit isinama sa depopulation ang 80% dahil na-expose na ang mga ito sa mga may sakit.

Sa ngayon, hindi pa aniya matukoy ang pinagmulan ng ASF na nakara­ting na sa Mindanao.

Sinabi ni Domingo na isa sa posibilidad ay ang mga processed food na iniuwi ng mga nagbalikbayan noong Pasko.

DEMAND NG PORK SA DAVAO BUMAGSAK DALA NG ASF

BUMABA ang demand ng produkto ng baboy sa Davao City sa gitna ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa Davao Occi-dental.

Ayon sa report Balitanghali, ang mga baboy na itinitinda sa mga pamilihan ay bumagsak sa dalawa na lamang mula sa pito bawat araw matapos ng outbreak.

Samantala, ang bilang ng naihiwalay at pinatay sa   Calinan, Davao ay tumaas na sa 2,780, ayon kay Agriculture Secretary Willliam Dar.

“Wala namang problema basta bayaran lang. Sayang baboy ko,” sabi ng isang hog raiser. Ang mga nag-aalaga ng baboy ay bi-nayaran sa farmgate price sa bawat baboy na pinapatay, at ang mga magsasaka ay binayaran ng 1,500 bawat biik.

Para mapigilan ang swine fever sa pagkalat, ipinagbawal ng awtoridad ang pagpasok ng lahat ng tao sa dalawang barangay sa ASF-hit Calinan.

Isinailalim ng mga opisyal ang Davao Occidental sa ilalim ng estado ng kalamidad matapos namatay ang 5,000 baboy sa bayan ng Don Marcelino.

Comments are closed.