PORK BAN NANANATILI SA NEGROS OCCIDENTAL

PATULOY na ipagbabawal ng Negros Occidental provincial government ang pagpasok ng live pigs, pork meat at pork by-products mula sa ibang lalawigan upang mapigilan ang muling pagtama ng African swine fever (ASF) infection at iba pang kaugnay na sakit.

Ayon kay Governor Eugenio Jose Lacson, ang  pork ban ay bahagi ng recovery efforts mula sa ASF-induced losses.

“We will continue to follow our policy. We will continue to be strict on the entry of pork products especially for those from areas color-coded as red,” aniya.

Ang red o infected zones ay ang mga lalawigan na may mga kumpirmadong kaso ng ASF, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa kalapit na Negros Oriental ay inalis na ni Governor Manuel Sagarbarria noong Miyerkoles ang  ban sa pagbiyahe ng live pigs at pork products papasok sa lalawigan upang buhayin ang industriya.

Sinabi ni Lacson na hangad ng Negros Occidental na makabalik sa estado nito bilang isa sa pinakamalaking backyard hog producers ng bansa ngunit kailangan nitong maging napakahigpit sa pagpapatupad ng  protocols upang mapigilan ang panibagong outbreak.

“What’s important is really how to recover. While we give our cash assistance, we explain to the hog raisers, let us not rush. Let’s just follow the protocol, the pre-sentineling, sentineling and of course, we hope the repopulation,” ani Lacson.

Ang sentineling program ay isang science-based preparation para sa hog repopulation sa ASF-stricken areas upang matiyak na hindi na umiiral ang sakit.

“No shortcuts, because anytime we get hit again, many will suffer,” sabi ni Lacson.

Noong nakaraang taon, ang P6-billion swine industry ng Negros Occidental ay nagtala ng halos 18,000 hog mortalities sa  20 local government units dahil sa ASF at hog cholera.

(PNA)