PORK EXPORTS SA CHINA

PORK IMPORTS

KINOKONSIDERA ng Filipinas na mag-export ng baboy sa China, na kasalukuyang dumaranas ng out- break ng African Swine Fever (ASF) na napaulat na nagresulta sa pag- kawala ng tinatayang 50 percent ng hog population nito.

“We are seriously looking at the possibility of exporting pork to China because what is going on with their hog industry (due to the ASF issue),” wika ni  Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol sa isang press briefing kahapon.

Ayon kay Piñol, milyon-milyong baboy, kabilang ang kanilang breeders, ang mga inahing baboy, ang kinatay sa China bilang bahagi ng pagsisikap na makontrol ang nakamamatay na sakit.

“So, kapag ginawa mo ‘yan, it will take years (for the industry) to recover,” pagbibigay-diin ni Piñol.

Ang China ang pinakamalaking pork producer sa mundo, na may halos 433 million pigs, ayon sa US Department of Agriculture (USDA).

Sinabi ng Chinese Agriculture na ang pagkawala ng kalahati ng mga baboy sa China ay ­maaaring magpataas sa presyo ng hanggang 70 percent.

Ang China ay tinatayang may 200,000 to­neladang baboy sa reserves nito, subalit maliit na bahagi lamang ito ng kina-kaila­ngang suplay para matugunan ang panga­ngailangan sa pinakamalaking pork market sa mundo.

May kabuuang 114 kaso ng ASF ang iniulat sa buong China magmula noong Agosto na nagresulta sa pagkatay sa mahigit 950,000 baboy.

Ito ang dahilan, ayon sa DA chief, kaya mahigpit na ipinatutupad ng Fi­lipinas ang import ban sa baboy mula sa ASF-infected countries upang maprotektahan ang P200 billion hog industry ng bansa.

Nag-deploy rin ang DA-Bureau of Animal Industry (BAI) ng meat-sniffing dogs sa lahat ng entry at exit points ng bansa bilang bahagi ng protective measures laban sa pagpasok ng ASF-infected meat at meat products.

Ang mga magdadala ng illegal pork meat at pork products sa bansa ay pagmumultahin ng P200,000.

“While it is not transmissible to humans, the ASF is fatal to live hogs. The ASF virus could also survive in processed meat products, such as siomai, corned pork, meat loaf and bacon.”   PNA

Comments are closed.