INIULAT ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab (3rd District, Davao City) na ang kanyang committee ay agarang natapos in record time ang mga pagdinig sa 2020 proposed budget ng lahat ng mga departamento at ahensiya ng gobyerno.
Ayon pa kay Ungab, ito ay naging posible sa pamamahala at gabay ni House Speaker Alan Peter “Compañero” Cayetano na siniguro na nasa tamang oras o mas maaga pa ang pagpasa sa pork-free at illegal insertion-free na budget na magbibigay sa bawat Filipino ng ligtas at komportableng buhay.
Dagdag pa ni Ungab, si Speaker Cayetano ang nagsagawa ng idea at sistema upang ma-adjust ang schedule ng plenary at maisagawa ang apat na budget briefing kada araw.
Naging paraan ni Cayetano na kausapin ang Committee on Appropriations Vice Chairman at ang kanilang grupo na magsagawa ng mga hearing at pagkatapos nito ay pormal na binuksan ng Chairman.
Sa pagsumite ng National Expenditure Program for Fiscal Year 2020 kay Speaker Cayetano, sinabi ni Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Chairman Ungab at ibang liderato ng Kamara, na ang House ay magsasagawa ng mga adjustment sa plenary schedule upang magkaroon ng maraming oras sa mga deliberasyon sa proposed P4.1-trillion national budget para sa 2020.
“Under the effective guidance and leadership of Speaker Cayetano, everyone moved in accordance to his given task, and supported and coordinated with the leadership of the Committee on Appropriations which resulted in the early completion of the budget committee hearings last Friday, September 6. For that, I thank the Vice Chairmen and members of the Committee on Appropriations for their hard work and sense of responsibility,” wika pa ni Ungab.
Nagpapasalamat din si Ungab sa ibang House Members na tumulong at nagsagawa ng kanilang mga review ng budget proposals ng iba’t ibang government departments at mga ahensiya upang malaman ang mga kinakailangan sa mga programa at proyekto.
Saad pa niya na ang kooperasyon at attendance ng iba’t ibang pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan ay naging daan sa maagang pagkumpleto ng budget hearings matapos masagot lahat ng mga tanong ng House Members.
Sa mga nagdaang schedule ng House sa mga pagdinig ng mga annual budget proposal, kadalasan na natatapos ito sa huling linggo ng Setyembre.
Matapos ang mga hearing sa budget proposals para sa fiscal year 2020 ng mga government department, attached agencies at mga opisina, sinabi ni Ungab na ang Committee on Appropriations ay nakatakdang aprubahan ngayong Lunes, Setyembre 9, ang Committee Report sa House Bill 4228, na siya mismo ang principal author, at may layuning maglaan ng kaukulang pondo para sa operasyon ng gobyerno ng Republika mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2020.
Ang mga sponsorship at simula ng deliberasyon sa plenaryo para sa HB 4228 ay nakatakda sa Martes. Nakatuon ang Kamara sa orihinal nitong target date para ipasa ang proposed national budget, na nakatakda bago ang recess sa Oktubre 4.
Nauna nang sinabi ni Deputy Speaker Neptali Gonzales II na ang House ay nakatakdang magsimula ng plenary budget debates sa September 19. “The truth is, through the initiative of Speaker Cayetano, we were able to advance the schedule of the plenary debates,” wika pa ni Gonzales. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.