NAGDEKLARA na ang buong Misamis Oriental ng total ban sa importasyon ng karneng baboy galing sa Luzon.
Kasunod ito ng pakiusap ng ilang mga nag-aalaga ng baboy na natatakot silang makapasok sa lalawigan ang African Swine Fever (ASF).
Pahayag ni Misamis Oriental Provincial Veterinary Head Dr. Benjie Resma, naglabas ng Executive order 2019-14 si Misamis Oriental Governor Bambi Emano na nag-uutos na pagbawalan muna na mag-import ng mga karneng baboy na nanggaling sa Luzon.
Idinagdag pa ni Resma na ginawa ito ng gobernador upang maprotektahan ang mga tao sa lalawigan kahit pa nag-abiso si Agriculture Secretary William Dar na iwasang magsagawa ng pag-ban sa mga hog product sa mga lugar na hindi naman direktang apektado ng ASF. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.