MAHIGPIT na ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapasok ng mga produktong karne ng baboy gaya ng sausages at ham mula sa Germany upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy.
Ginawa ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang temporary ban kasunod ng panibagong ulat na may shipment ng karne ng baboy mula sa Germany ang nadiskubreng naglalaman ng mga kahon-kahong karne na mula naman pala sa bansang Poland.
Isa aniya ang Poland sa natukoy na may mga kaso ng African Swine Fever kung kaya’t hinarang ito ng Philippine Quarantine authorities.
Bunsod nito, posibleng magtaasan ang mga presyo ng hotdog at bacon sa mga pamilihan dulot ng pansamantalang ban na ipinaiiral ng kagawaran.
“I am dismayed that our meat processors show more concern for the prices of hotdog and bacon than the possible devastation of ASF of the P260 billion hog industry which provides livelihood to thousands ofpoor Filipino farmers,” pahayag ni Piñol.
Aniya, sakaling makapasok ang pinangangambahang ASF sa bansa, tiyak na magreresulta ito ng pagbagsak ng livestock indus-try at paghina ng ekonomiya ng Filipinas.
“We have to conduct a thorough investigation to ensure that their system is safe. If and when the investigation will show that the violation was confined to that particular export company, then we will take the proper measure to lift the ban on all German pork shipment,” paliwanag pa ni Piñol.
Sa kasalukuyan, ilan sa mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang mga ipinapasok na produktong karne ng baboy mula sa mga bansang Romania, Russia, South Africa, Ukraine, Zambia, Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Poland, China, Vietnam at Mongolia na pawang may mga kaso ng ASF.
“We urge our businessmen to momentarily make adjustments and source their pork from local farmers or their imports from countries which are free of ASF,” dagdag pa ni Piñol. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.