SA PATULOY na mahigpit na pagbabantay ng mga kawani ng City Veterinary Office ng Santiago City laban sa African Swine Fever (ASF) nakakumpiska ang mga kawani ng mga pork product na umaabot sa mahigit na 75 kilos ng mga mascara ng baboy, apat na kilo ng atay ng baboy at frozen meat ang kanilang nasamsam.
Sa tulong ng isang concerned citizen ang nagparating sa pamunuan ng City Veterinary Office na umano’y may hinala sila na maaring may African swine fever ang mga ipinupuslit na karne.
Napag-alamang ang karne ng baboy na nakumpiska ng mga tauhan ni Dr. Solomon Maylem, City Veterinarian ng Lungsod ng Santiago, ay pagmamay-ari ng Gng. Mary-ann Balmosa ng Mini Market Centro Santiago City.
Pinaniniwalaang ang mga nasabing produkto ay nakalusot sa mga nagbabantay sa itinalagang Regional Quarantine Inspection sa bayan ng Sta. Fe, Nueva Vizcaya, dahil ang nasabing mga frozen meat ay nakahalo umano sa mga fresh meat upang hindi mahalata.
Ang mga nasabing produkto ay binuhusan ng krudo saka sinira, upang hindi na ito pakinabangan at upang maiwasan ang magiging epekto nito sa buong rehiyon. IRENE GONZALES
Comments are closed.