NAKUMPISKA ng Joint Task Force Karne at ng Food and Drug Administration (FDA) ng city government ng Zamboanga ang 298 lata ng pork product mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Dr. Mario Arriola, Office of the City Veterinarian (OCVet) chief kamakailan na ang mga de latang pork products ay inimport mula sa China na nakumpiska noong nagdaang linggo mula sa tatlong establisimiyento sa siyudad.
Sinabi ni Arriola na ang mga imported na de lata na nagkakahalaga ng PHP25,915.20, ay inimbentaryo, sinelyuhan at inilagay sa kustodiya ng FDA.
Sang-ayon pa rin kay Arriola, ang lingguhang strike operations ay bahagi ng national ban sa importasyon, distribusyon at pagbebenta ng lahat ng processed pork products mula sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF) virus.
Nag-isyu ng ban ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga bansang nai-report na may kaso ng ASF. Ito ay ang Russia, Ukraine, Czech Republic, Moldova, South Africa, Zambia, Hungary, Bulgaria, Belgium, Latvia, Poland, Romania, China, Mongolia, Vietnam, Cambodia, Hong Kong at North Korea.
Sinabi ng World Organization for Animal Health na ang ASF ay isang malakas makahawang hemorrhagic disease ng pigs, warthogs, European wild boar at American wild pigs.
Ang virus ay naililipat sa pamamagitan ng direct contact, ingestion ng garbage, swill feeds na nagtataglay ng unpro-cessed infected pig meat or pig meat products, ticks at biting flies, at nahawahang kapaligiran, sasakyan, mga gamit at kasuotan. PNA
Comments are closed.