PATULOY ang pangungumpiska ng Provincial African Swine Fever (ASF) Task Force of Negros Occidental, sa pamamagitan ng mga tauhan ng Provincial Veterinary Office (PVO), ng pork at pork-based products na nagmumula sa Luzon nitong linggo bilang bahagi ng pagpapatupad ng ASF Prevention Ordinance.
Sinabi ni Dr. Ryan Janoya, pinuno ng PVO Animal Health and Meat Inspection Services Division, kamakailan na inalis na nila sa display ang de lata tulad ng pork and beans at meatloaf sa ginawang inspeksiyon sa isang supermarket sa La Castellana.
Ang mga nakumpiska na nakuha sa Luzon-based manufacturers, ay isasauli ng establisimiyento sa kanilang distributors.
Kamakailan din lamang, may 25 kilo ng pork products mula sa Luzon ang nasabat at itinapon pagdating nito sa Bacolod-Silay Airport sa Silay City. Kasama nito ang food products tulad ng chicharon at “puto pao”, at mga processed food tulad ng ham, tocino, at longganisa.
“Aside from prohibiting entry, the provisions of the provincial ordinance include permanent banning of sale, distribution, transportation, and storage of pork and other pork products coming from Luzon and other ASF-affected areas,” sabi ni Janoya.
Ang ASF Prevention Ordinance, na naging epektibo noong Disyembre 9, 2019, ay nagbabawal ng pagpasok ng buhay na baboy, boar semen, karneng baboy at pork products, kasama ang food items na nagtataglay ng baboy, pinanggalingan, at/prinoseso sa Luzon at bansa na apektado ng ASF.
Ang mga lalabag ay posibleng maharap sa pagmumulta na nasa PHP1,000 hanggang PHP5,000 at pagkakakulong ng isang taon, depende sa tindi ng paglabag.
Nagpatupad ng ban ang Negros Occidental, ang nangungunang backyard hog producer sa bansa na may PHP6-billion swine industry, simula noong Setyembre 18 noong nakaraang taon sa pagpasok ng baboy at pork products mula sa Luzon sa pamamagitan ng executive order ni Governor Eugenio Jose Lacson.
Noong Nobyembre 26, pinirmahan ni Lacson at Vice Governor Jeffrey Ferrer ang Provincial Ordinance 2019-024, na lalong kilala bilang “The ASF Prevention Ordinance of Negros Occidental”, para maging libre ang probinsiya sa virus. PNA
Comments are closed.