INIHAYAG ni Senador Ping Lacson na nangako sa kanya si Budget Secretary Wendel Avisado na hindi ire-release ang pondo para sa tinukoy niyang pork barrel items na nakapaloob sa P4.1-trillion sa 2020 national budget.
Ang hindi pagpapalabas ng pondo ay katumbas na rin aniya ng pag-veto ng Pangulo rito.
Isiniwalat ni Lacson kamakailan ang sinasabing malalaking lumpsum, last minute insertions o amendments na ginawa ng mga kongresista sa 2020 budget.
Tinukoy ni Lacson na pinakamalalaking insertions ay para sa Albay, Cavite, Sorsogon, Batangas, Bulacan, Pangasinan at Cebu.
Kabilang din sa pinalalaanan ng lumpsum funds ang 117 flood control projects na ginagamit umanong gatasan ng komisyon ng mga tiwaling politiko.
Comments are closed.