PORK VENDORS PROBLEMADO PA RIN SA ASF

ASF-4

MATAPOS makabawi ng kaunti sa kanilang pagkalugi nitong nakaraang holiday season, muling nahaharap sa panibagong alalahanin ang pork vendors dahil sa muling paglitaw ng kaso ng African swine fever (ASF) na malamang na muling makaapekto sa kanilang negosyo.

Kinumpitma ng Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes na may ilang processed pork products na nakadisplay sa meat section ng isang tindahan sa Quezon City ay naging positibo sa ASF nitong Disyembre 19.

Ayon sa isang meat supplier na si Lourdes Bututana, na nagtitinda nf karne sa Kamuning Public Market sa Quezon City, ang mga nasabing kustomer ay matagal nang umiiwas sa pork products.

Nag-aalala siya na ang pagkaulit ng parehong karanasan noong nagdaang taon na nagkaroon ng ASF scare, talagang nagtaboy ito sa kanilang mga kustomer at wala talagang namimili kaya kumonti ang kanilang kita.

“Maapektuhan kami lahat dito. Nu’ng nakaraan, nu’ng sinabi nilang ganyan ‘yung baboy, wala talagang namimili,” sabi ng tindera.

Sinabi ng grupo ng mga magsasaka, ma­ngingisda, magmamanok at magbababoy, ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na ang huking report na ito sa ASF ay hindi nakaaapekto sa presyo ng pork products.

Sinabi ni SINAG chairman Rosendo So na normal ang mga preayo mula nitong Disyembre, na may farmgate price na nasa P100 bawat kilo.

“Nakita namin nag-normalize ‘yung bilihan ng consumer dahil very strict ang government, kagaya niyan, ‘pag may nakita, suspended. Ibig sabihin, talagang mino-monitor ‘yung mga outlet kung ito ay ASF-free,” lahad ni So.

Sinabi ni So na ang pagkadiskubre ng DA sa ASF-affected products ay isang “positive sign” ng istriktong inspeksiyon ng parehong processed at frozen meat products.

Hanggang nitong Sabado, ang karneng baboy ay ibinebenta sa Kamuning Public Market sa halagang P180 bawat kilo, mataas ng P10 mula sa preayo noong Biyernes.

May isang kustomer naman na hindi pinapansin ang huling report at sinabi pa na naniniwala pa rin siya sa processing at inspection ng pork products.

“Safe naman po kasi nakikita naman namin na may nagche-check po,” sabi niya. “Kasi ‘yung mga bata, hinahanap din po nila ‘yung karne.”

Sa La Loma district na isang popular na lugar para sa litsong baboy, siniguro ng mga litsonero na istriko ang proseso nila sa native na baboy , na kinukuha nila sa pro­binsiya ng Quezon at sa Visayas region.

Umaasa si Ramon Ferrero, presidente ng La Loma Lechoneros Association, na ang bagong report sa ASF ay hindi makaaapekto sa demand hanggang sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, Manila.

“Sa La Loma, I assure them na 99 percent, napakaayos ng mga baboy sa La Loma,” sabi ni Ferrero.

“Sa Quezon province, may quarantine area sila na kinakailangan dumaan sila do’n, inisprayhan sila. ‘Pag dating dito sa Maynila, iniisprayhan pa rin ng barangay namin dito.”