TINIYAK kahapon ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng daungan upang maiwasan ang pagpasok ng pork at pork products na kontaminado ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
“All ports of entry are continuously being monitored to safeguard the country’s borders against the entry of contaminated pork and pork products with ASF,” ayon sa BOC.
Kasabay nito, sinabi ng BOC na tanging ang mga importer na may kaukulang clearances at permits mula sa mga ahensiya ng pamahalaan na naatasang i-regulate ang ilang commodities tulad ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI), at Food and Drug Administration (FDA) ang maaaring makapag-angkat ng meat products.
“The Bureau assures the public that it is closely coordinating with the various regulatory agencies of the government in implementing policies such as the importation ban on meat products of the Department of Agriculture,” sabi pa ng ahensiya.
Ayon sa World Organization for Animal Health (OIE), ang ASF ay isang highly-contagious hemorrhagic disease ng mga baboy, warthogs, European wild boar, at American wild pigs.
“It is caused by DNA virus of the Asfarviridae family which causes high fever, loss of appetite, hemorrhages in the skin and in-ternal organs, and death in two to 10 days of the affected pigs.”
Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng FDA ang pagbawi at pagkumpiska sa imported pork meat products sa merkado na nagmula sa mga bansang pinaghihinalaang apektado ng ASF virus.
Nagpaalala rin ang ahensiya na ang pag-import, distribusyon at pagbebenta o pagdo-donate ng nasabing banned products ay paglabag sa FDA Act of 2009, Food Safety Act of 2013, at iba pang kaugnay na batas, kautusan at regulasyon sa food safety.
Sa isang abiso sa publiko, sinabi ng FDA na kasama na ang Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium sa listahan ng mga bansa na bawal na munang pag-angkatan ng mga processed pork product.
Kabilang sa mga bansang naunang pinatawan ng ‘temporary ban’ ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.
Comments are closed.