POSEUR AGENTS SA PNP-IAS BINALAAN

NAGBIGAY ng babala ang Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) nitong Huwebes kontra sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang mga ahente nito na nangingikil ng pera bilang bahagi ng kanilang “protection racket.”

Ito ang pahayag ni IAS Inspector General Brigido Dulay kasunod ng mga ulat na may ilang indibidwal na nagpapanggap bilang opisyal ng IAS na nagpapatakbo umano ng protection racket na kinasasangkutan ng mga establisimiyento na pinaghihinalaang may ilegal na aktibidad.

“Based on records available at its human resource management section, however, the reported personalities do not appear in the roster of PNP-IAS” ayon sa isang pahayag.

Ipinaalala rin nito sa publiko na ang sinumang tao na magpanggap bilang isang opisyal, ahente o kinatawan ng anumang departamento o ahensya ng gobyerno ay maaaring kasuhan ng estafa sa ilalim ng Section 135 ng Revised Penal Code (RPC) at usurpation of authority sa ilalim ng Seksyon 177 ng RPC.

“We are now working with other PNP units to arrest these fake cops. We do not and will never tolerate or condone such egregious deception that not only tarnishes the integrity and reputation of the PNP but also seriously hinders the performance of its mandate” ani Dulay.

Hinikayat nito ang publiko na maging mapagbantay at agad na iulat sa IAS ang anumang gawain ng mga impostor na ito gayundin ang anumang iligal o kahina-hinalang aktibidad na kinasasangkutan ng mga sinasabing pulis upang sila ay mapanagot sa batas.

“You can email us [email protected] or call us at 0926-031-0279 for mobile and (02) 8723-0401 local 6665 for landline, and you may also visit any of our national, regional, district, provincial, and city offices in order to verify the status or report these unscrupulous individuals” saad nito. RUBEN FUENTES