POSF TAMPOK SA PSA FORUM

TATALAKAYIN ang pinakabago sa Philippine Obstacle Sports Federation (POSF) sa pagpapatuloy ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Bibisita si Federation president Atty. Al Agra sa session upang talakayin ang mga plano at programa ng  POSF, isang consistent source ng gold medal sa Southeast Asian Games, kabilang ang four-gold romp sa 32nd edition ng biennial meet na idinaos sa Cambodia noong nakaraang taon.

Si Agra ay sasamahan sa public sports program ng kanyang anak na si Jessica Agra, isa ring abogado, na nagwagi kamakailan ng women’s doubles title sa Pro Women’s event ng Asia Pacific Padel Tour (APPT) Phuket Open sa Thailand.

Ang batang Agra ay kasalukuyang ranked no. 2 sa APPT sa likod ni Patricia Garcia ng Spain.

Ang 10:30 a.m. session ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ng ArenaPlus, ang 24/7 sports app sa bansa.