INIHAYAG ng pamunuan ng Manila Electric Company o Meralco na maaari silang magpatupad ng rotation power interruption kung kakailanganin.
Dahil sa planong ito ay maaapektuhan ang milyong customers ng kompanya.
Ngayon pa lang ay nananawagan na ang Meralco sa kanilang mga commercial at industrial customer na kabilang sa Interruptible Load Program na magtipid o magbawas sa kanilang konsumo asa koryente.
Nakasaad sa programang ito na kapag ang isang malaking kompanya ay gumagamit ng malaking koryente, kinakailangang hindi muna ito kumuha ng koryente mula sa kahit anong grid
Nanawagan din ang Meralco na maghanda sa posibleng pagpapatupad ng Manual Load Dropping o rotational power interruptions sakaling magkaproblema sa suplay ng koryente.
Hinikayat din ng Meralco ang kanilang mga consumer na magtipid sa koryente lalo na’t mataas ang demand nito dahil sa mainit na panahon.
EVELYN GARCIA