NANINIWALA si Finance Secretary Ralph Recto na hindi na tataas sa kasalukuyang 6.5 percent ang key interest rate ng bansa.
Sa Philippine Economic Briefing kahapon ay sinabi ni Recto na sang-ayon siya sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posible ang pagbaba ng interest rate ngayong taon.
Ayon kay Recto, ito’y dahil tila pababa na ang inflation.
“It seems like inflation is going down it used to be 8.2 percent, it’s down to 3.8 percent, well within the 2 to 4 percent band,” aniya.
“So it’s possible that we may have rate cut this year, and possibly more rate cuts next year. I don’t expect interest rates to go any higher,” dagdag pa ni Recto..
Sa huling pagpupulong ng BSP Monetary Board ay pinanatili nito ang benchmark target reverse repurchase rate sa 6.5 percent.
Bumilis naman sa 3.8 percent ang inflation noong Abril bagama’t pasok pa rin sa target ng pamahalaan na 2-4 percent.
Nauna nang nagpahiwatig si BSP Governor Eli Romolona ng posibleng rate cut sa Agosto.
Umaasa naman si Recto na magkakaroon ng 150-basis points rate cut sa mga susunod na taon.