(Posible noong Mayo – economist) MAS MATAAS NA EMPLOYMENT DATA

MAAARING bumuti ang employment data ng bansa noong Mayo ng kasalukuyang taon dahil sa hiring ng mas maraming agricultural workers sa gitna ng gumandang panahon, ayon sa isang ekonomista.

“Philippine employment data as of May 2024 could improve due to better weather conditions with the start of rains that enabled the hiring of more agricultural workers,” wika ni Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort sa isang Viber message noong Biyernes.

Ang employment rate ng bansa ay umabot sa 96 percent hanggang Abril ngayong taon, mas mataas sa 95.5 percent noong nakaraang taon, ngunit bahagyang mas mababa kumpara sa 96.1 percent na naitala noong Marso.

Samantala, ang unemployment rate ay nasa 4 percent, mas nababa sa 4.5 percent noong nakaraang taon subalit mas mataas sa 3.9 percent na naitala noong Marso.

Naunang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may malaking pagbaba sa bilang ng employed persons sa agriculture and forestry sector dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Sinabi ni Ricafort na bukod sa inaasahang pagtaas sa agriculture workers, makatutulong din sa pagtaas ng employment data ang increased travel  noong  summer.

“Furthermore, seasonal increase in travels, vacations, holidays amid the summer season, alongside fiestas and other festivities around the country that further increased tourism activities also may have created more employment, business, and other economic activities,” ani Ricafort.

Para sa mga darating na buwan, sinabi ni Ricafort na ang mga paghahanda para sa mid-term elections ay makatutulong din sa paglikha ng mas maraming trabaho.

.“Preparations for the mid-term elections, including increased government spending on infrastructure and on various projects before the election ban would help create more jobs for the coming months,” aniya.

Gayundin, sinabi ni Ricafort na sa mga darating na buwan, ang mga bagyo at epekto ng La Niña, gayundin ng ghost month sa Agosto, ay maaaring makaapekto sa employment data.

“This may be positively offset by the seasonal increase in importation and production activities in the third quarter in preparation for the seasonal increase in demand for the Christmas season,” dagdag pa niya.

Ulat mula sa PNA