(Posible sa 2024)TAAS-SAHOD SA GOV’T WORKERS

PAG-AARALAN ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad ng panibagong Salary Standardization Law.

Sa panukalang P5.268 trillion budget para sa 2023 ay nasa P49.5 million ang inilaan para sa Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporation (GCG).

Ipinabatid ni Finance Secretary Benjamin Diokno na posibleng sa 2024 ay magkaroon ng bagong taas-sahod ang mga empleyado ng gobyerno.

Samantala, magsasagawa muna ng pag-aaral ang GCG para sa panibagong tranche ng Salary Standardization Law.

DWIZ 882