MAY pagtaas pa rin sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng tumaas ang presyo ng diesel at kerosene dahil sa paghina ng piso kontra dolyar.
Araw ng Huwebes (June 24) ay nagsara ang piso kontra dolyar sa P54.7.
Pero ayon sa DOE, posible namang magkaroon ng bahagyang pagbaba sa presyo ng gasolina.
Sinabi ng DOE na ang international price ng produktong petrolyo ay nakikitaan na ng pagbaba.
Bumaba kasi ang demand ng produktong petrolyo sa China at sa US.
Noong Martes, Hunyo 28, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.80, diesel ng P3.10, at kerosene ng P1.70.
Sa datos ng Department of Energy, hanggang Hunyo 14, ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P28.70, diesel ng P41.15, at kerosene ng P37.95.