MAAARI nang simulan ng Department of Agriculture (DA) ang paglarga sa mga bakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa susunod na linggo.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, layunin nito na mapigilan ang pagkalat ng ASF sa ilang bayan sa Batangas na nagdeklara ng state of calamity.
“Sa ngayon, walong munisipyo pa lang ang nagdeklara at ang DA is procuring ‘no, the needed vaccines sa emergency procurement system natin but it will take up to first week of September bago nga makuha iyan dahil sa proseso ng burukrasya natin,” ani Laurel.
“Luckily iyong ating supplier nag-donate ng 2,000 doses at darating dito sa Biyernes at hopefully ang target namin is maumpisahan na iyong pagbakuna by Tuesday next week,” dagdag pa niya.
Naglagay na rin ang DA ng checkpoint o inspection stations upang mabantayan at makontrol ang pagkalat ng ASF sa Batangas.
“So, it’s not that alarming because the vaccine is on the way. So, hopefully ma-contain natin ‘to. But, of course, it will not be easy ‘no but we will do our best,” dagdag pa niya.
Plano rin ng DA na palakasin ang laboratory at research facilities nito nang sa gayon ay makagawa ito ng sariling ASF vaccines sa hinaharap.