TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na handa ang kanilang ahensya sa patuloy na pagkalat ng iba’t ibang klase ng sakit gaya ng pertussis.
Ayon Karen Villanda, Public Information Officer ng CAAP na naka-standby sa 44 CAAP operated airports ang mga medical team na nakahandang tumugon sa anomang medical emergencies.
Kasabay nito, nagpaalala rin si Villanda sa mga pasahero na maging mapanuri at mapagmatyag sa paligid partikular habang bumabiyahe para agad makagawa ng paraan at makaiwas sa mga sakit.
Matatandaan, ilang lokal na pamahalaan na ang nagdeklara ng outbreak ng pertussis o mas kilala bilang whooping cough.
Ang nasabing sakit ay isang influenza like illness kung saan naipapasa sa pamamagitan ng pagbahin at pag ubo.
CRISPIN RIZAL