MULING igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 33rd Association of Southest Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits na ginaganap sa Singapore ang posisyon ng Filipinas kaugnay sa isyu ng South China Sea o West Philippine Sea.
Sa inilabas na statement ng Malakanyang, sinabing makikipag-ugnayan ang Pangulong Duterte sa mga lider na kasapi sa ASEAN gayundin ang mga dialogue partners tulad ng China, Russia at Estados Unidos para sa pagsusulong ng ASEAN community-building upang maisulong ang ASEAN na mas mapalapit sa tinaguriang rules-based, people oriented at people-centered ASEAN community.
Bukod sa isyu ng South China Sea, isusulong din ng Pangulong Duterte ang usapin sa illegal na droga, transnational at trans boundary issues tulad ng terorismo, violent extremism, illegal drugs at human trafficking gayundin ang disaster risk reduction and management.
Inaangkin ng China ang halos buong West Philippine Sea. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.