POSITIBO SA ANTIGEN TEST MAG-REPORT SA DOH

IGINIIT ng Department of Health (DOH) nitong Martes na mandatory ang pag-uulat ng mga positibong resulta ng self-administered COVID-19 antigen tests.

“All individuals with a positive self-antigen test shall report to their Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) or healthcare provider,” ayon sa DOH Department Memorandum No. 2022-0033.

Sasagutan ng mga healthcare provider ang isang COVID-19 Case Investigation Form na kanilang isusumite sa kanilang lokal na Epidemiology and Surveillance Unit.

Ang mga lokal na pamahalaan at telemedicine provider na kinikilala ng DOH ay dapat maglagay ng kanilang sariling sistema ng pag-uulat.

Layon nito, ayon SA DOH na mapadali ang kinakailangang pagtugon sa COVID-19 kapag natukoy ang isang positibong kaso sa pamamagitan ng self testing, dagdag ng DOH. LIZA SORIANO