HINIMOK ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga residente nito na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na huwag tumanggi kung sila ay dadalhin sa centralized quarantine facility.
Sa kanyang pahayag sa Facebook live, hinihingi ng alkalde ang kooperasyon ng mga residente sa mga ginagawang aksiyon ng pamahalaang lungsod kaugnay sa laban nito kontra COVID-19.
Ipinaliwanag ni Sotto, mas ligtas na manatili sa loob ng Centralized Quarantine Facility na mayroong mga doktor at medical workers na nagmo-monitor sa kalusugan ng mga pasyente at mayroon din silang makakausap sa loob ng nasabing pasilidad. ELMA MORALES
Comments are closed.