INIHAYAG ni Philippine Red Cross (PRC) consultant Dr. Michael Tee na isasama na sa bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw ang mga nagpopositibo sa COVID-19 saliva testing sang-ayon sa kautusan ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Tee, magagamit ang COVID-19 saliva testing sa mga lugar na kaunti lamang ang molecular laboratory gaya sa mga probinsiya.
Dagdag nito, maaaring ang dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa labas ng National Capital Region (NCR) ay sa kulang ang testing sa iba pang mga lugar sa bansa.
Matatandaang mula nang aprubahan ng DOH nitong Enero ang pagkuha ng laway sa pasyente upang tukuyin kung positibo ito sa COVID-19 ay nakapagsagawa na ang PRC ng aabot sa 365,000 saliva testing.
519122 26730Hi my friend! I want to say that this post is amazing, nice written and include approximately all significant infos. Id like to see a lot more posts like this . 243740