NAGPAPATULOY pa rin ang pagbaba ng positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 12.3 percent noong Oktubre 22 ay bumaba sa 10 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong Oktubre 29.
Samantala, pawang nasa “very high” ang positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa na kinabibilangan ng Aklan, Benguet, Camarines Sur, Isabela, Misamis Oriental, at Tarlac.
Sa Aklan, nakapagtala ng 29.3 percent na positivity rate noong Oktubre 29.
Sa Benguet naman, mula sa 7 percent ay tumaas sa 21.1 percent ang positivity rate. Tumaas din ang positivity rate sa Isabela na mula sa 20.7 percent ay naging 33.9 percent.
Sa Misamis Oriental, mula sa 23.2 percent ay tumaas sa 25.3 percent.
Sa Tarlac, bagaman bahagyang bumaba ay “very high” pa rin ang naitalang positivity rate na 36.8 percent. LIZA SORIANO