POST-ELECTION RELATED INCIDENTS SUMAMPA SA 59

Banac

CAMP CRAME – SA kabila na tapos na ang May 13, 2019 midterm elections, patuloy na nadaragdagan ang bilang ng election related incidents sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, sa mga election related incidents na kanilang naitala, 110 ang biktima.

23 sa mga ito ang nasawi, 43 ang sugatan at 44 ang hindi nasaktan.

Pinakamaraming election related incidents ay pamamaril na umabot na sa 38, iba ay pambubugbog, illegal discharge of firearms at paglabag sa omnibus election code.

Sa 59 na mga insidenteng naitala,  21 ay naisampa na sa Prosecutors Office, 36 ay under investigation at ang 2 insidente ay hindi nagkasampahan  ng kaso o nagkaayos na.

Ang election period ay magtatagal pa hanggang June 12. REA SARMIENTO