POST NI MATTEO GUIDICELLI SA IG MISTULANG PATAMA SA PAMILYA NI SARAH

Matteo Guidicelli

TILA hindi pa naghihilom ang galit sa dibdib  nina Matteo Guidicelli  at  pamilya  ni hotshots Sarah Geronimo dahil  sa ipinost ng actor sa kanyang  Instagram story na mistulang  isang pasaring sa pamilya ng actress.

Nag-post  kasi si Matteo ng quotation  from Angelina Jolie na nagsasaad  ng:

“If you don’t get out of the  box  you`ve  been  raised  in, you won`t  understand  how much bigger  the world  is.”

Halata  na  patama  ‘yun sa pamilya ni Sarah. In fairness, wala namang  masama  sa statement.

Samantala,  hindi  maitatatwa  na super happy ngayon ang mag-asawang Sarah at Matteo. Panay ang post niya ng mga regalo na natanggap  nila sa kanilang mga kaibigan.

Naroong i-post niya  ang gift  na  dinnerware and glassware at may post  pa siya ng couple coffee  mug  na obviously ay para sa kanila ni Sarah.

Kamakailan din ay nakita silang nagpunta ng supermarket  para mamili tulad ng ginagawa ng ordinaryong mag-asawa na bagong kasal. At siyempre, hindi maiiwasan na pagka­guluhan sina Sarah at Matteo sa naturang lugar.

Marami rin ang nani­niwala at nananalangin na darating din ang araw na magkakaayos  din ang pamilya ni Matteo at pamilya ni Sarah.

Sabi  nga ng mga nakaranas din nang nangyari kina Sarah at Matteo,  isang malaking factor daw para maayos at mawala ang galit ng isang magulang sa anak ay bigyan ito ng apo.

RONNIE ALONTE NAPAGTANTO NA ‘DI PA SIYA SIKAT NA AKTOR

FINALLY,  napagtanto  ni  Ronnie Alonte  na  hindi  pa siya  isang sikat na actor. Tila nalunod kasi sa sunod-sunod na project noon at akala ay isa na siyang sikat na artista.

Nang magkasunud-sunod kasi ang project niya ay nabibili na niya ang lahat ng gusto niyang bilhin. Maging ang sports  car na dream niya noong bata pa ay nabili niya kaya akala ay tuloy-tuloy na ang suwerte sa buhay.

May  time rin daw na nahirapan din siya sa trabaho at naisipang  tumigil  na lang sa showbiz. Pero may nagpayo  raw sa kanya  na magbago at maging  mas  professional.

Doon na niya nakilala si Loisa Andallo na girlfriend na niya ngayon at naging  magandang  influence  sa kanya.

Nagkaroon sila ng movie ni Loisa at sabi ay kumita naman daw sa ta­kilya.

Sa ngayon ay may hinahanda nang serye para kina  Ronnie at Loisa.

Napagtanto  rin  ni Ronnie na masuwerte siya at nabigyan  ng pagkakataon  na maging isang artista.

PELIKULA NINA LOVI, MARCO AT TONY ANO NA KAYA ANG KINALABASAN?

MARAMI  ang nagtatanong kung ano raw ang kinalabasan sa takilya  ng  movie  nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca.

Sayang naman kung hindi ito magklik sa ta­kilya  dahil  maganda ang istorya at hindi ‘yung mga laplapan lang ng lead star ang istorya ng “Hindi Tayo Puwede.”

Samantala,  hinikayat  ni  Lovi  ang  kapwa  artista  na maglaan din sila ng panahon maging libre sa lahat ng trabaho para magmuni-muni  at  tama-sain ang pagiging ordinaryong  nilalang.

Magmula kasi nang maglie-low muna si Lovi ay napagtanto at nakamit nito ang lubos na kasiyahan. Kaya nang magbalik-showbiz ay mas  dumami  pa ang kanyang natutunan sa buhay.

One thought on “POST NI MATTEO GUIDICELLI SA IG MISTULANG PATAMA SA PAMILYA NI SARAH”

Comments are closed.