IGAGAWAD kay Oscar winner Kobe Bryant ang posthumous Emmy Award sa susunod na buwan.
Ang Los Angeles Lakers icon ay gagawaran ng Governors Award sa 72nd Los Angeles Area Emmy Awards sa Hulyo 18.
Sa anunsiyo ng event organizer, America’s Television Academy noong Miyerkoles, si Bryant, nasawi sa edad na 41 sa isang helicopter crash noong Enero, ay napili dahil sa kanyang “philanthropy, community building and inspiration that extended beyond the basketball court”.
“He championed a number of worthy causes and critical issues, becoming an ambassador for women’s basketball, a mentor and youth advocate, and raised awareness of homelessness in Los Angeles,” nakasaad sa statement.
Pinangunahan ni Bryant ang Los Angeles Lakers sa loob ng 20 seasons na may limang NBA championships at 18 All-Star selections.
Sa labas ng court ay nagwagi siya ng Academy Award noong 2018 para sa animated short film “Dear Basketball”.
Comments are closed.