POSTING NG SCREEN SHOTS NG PRIVATE MESSAGE BAWAL?

DAHIL trending ngayon sa social media ang posting ng screen shots ng private conversation, ating alamin ikung may nalabag ba ang isang netizen sa Data Privacy Act.

Iba naman ang aksyon ng pagkuha ng picture o screen  shot at ayon sa ilang legal expert mas binibigyan ng rason kung ano ang dahilan ng pag-picture ng private convo.

Maaari anyang walang liability kung may kaugnayan sa edukasyon ang pag-screen shot gayundin kung gagamitin bilang ebidensiya sa korte.

Halimbawa nito ay karahasan sa pagitan ng mag-asawa dahil dumaranas ang psychological violence ang isang panig kaya maaaring maging ebidensiya ang screen shot ng private messege.

Sinabi ni Atty. Tranquil Salvador, nagtuturo rin ng abogasya sa Ateneo de Manila University, may mga nalalabag sa ilalim ng Data Privacy Law of 2012 at Anti-Cyber Crime Law ang ganitong mga hakbang.

“Bawal ang processing ng private o personal information ng walang pahintulot ng mga taong kasama sa conversation na iyong ipinopost, kung identifiable sila, kung nagbigay ng consent o approval ayos lang, “ ayon sa legal expert.

Nagbabala rin si Salvador sa mga nag-re-record ng mga conversation sa posibleng paglabag sa wiretapping law.

Kahit may consent aniya para i-record ang conversation, hindi rin nangangahulugan na maaari itong ilantad sa publiko.