HINILING ni House Committee on Public Works and Highways Chairman at Surigao del Sur 1stDist. Rep. Romeo S. Momo, Sr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang namumuno rin sa Department of Agriculture (DA), na pagtuunan ng pansin ang rehiyon ng Mindanao partikular ang malaking potensiyal nito na maging “food basket’ ng bansa.
Sa nakaraang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, na pinamumunuan ni Quezon 1st Dist. Rep. Mark Enverga, nagbigay ng briefing ang mga opisyal ng DA hinggil sa katayuan ng local onion industry.
Bukod dito, ipinabatid din ng Agriculture officials sa mga kongresista kung ano ang mga hakbang na isinasagawa ng kanilang kagawaran bilang tugon sa mga problemang kinakaharap ng mga agriculture stakeholder.
Bilang tugon dito, agad namang kinuha ni Momo ang atensiyon ng DA officials at hinimok niya ang mga ito na tingnan, gamitin at pakinabangan ang malawak na agricultural resources ng Mindanao, kabilang na ang kanilang lalawigan ng Surigao del Sur.
“I’m calling the attention of DA officials, specifically urging them to utilize the vast agricultural resources of Mindanao, particularly Surigao Del Sur, to address the shortage in supply of onions, garlic, and other agricultural products,” ang pambungad na pahayag ni Momo.
“Our province of Surigao del Sur and the large portion of Mindanao have very rich and fertile lands, as well as good climate, which are greatly conducive to farming and other agri-production activities,” pagbibigay-diin pa niya.
Paggigiit ni Moro, naniniwala siya na kung mabibigyan ng malaking bahagi o maisasama sa prayoridad ng national government sa pagpapatupad ng iba’t ibang agriculture at rural development program, ang Mindanao region ang magiging sagot sa problema sa kakapusan ng suplay ng sibuyas at iba pang farm products.
“I would like to make an urgent appeal to President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., who is also the head of the Agriculture department, to likewise give focus on the great potential the Mindanao region can give in terms of our much needed agri-production and food security measures,” dagdag ng Surigao del Sur lawmaker. ROMER R. BUTUYAN