NAGPATUPAD ang Department of Agriculture (DA) ng temporary ban sa pag-aangkat ng manok at iba pang poultry products mula sa Australia kasunod ng bird flu outbreak sa naturang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sakop ng ipinalabas na memorandum order no. 40 series of 2020, ang domestic at wild birds, gayundin ang kanilang by-product tulad ng karne, old chicks, itlog at semen.
Una nang kinumpirma ng Australian government sa World Health Organization (WHO) noong Hulyo 31 na may H7N7 highly pathogenic avian influenza outbreak sa Lethbridge, Victoria na nakaapekto sa mga ibon.
Iniutos ni Dar ang agad na pagsuspinde sa pagproseso, ebalwasyon ng application at pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance sa domestic at wild bird at kanilang byproducts mula sa Australia.
“All incoming poultry shipments with SPS import clearance issued on or before 6 August 2020 will be allowed provided that frozen poultry meat has a slaughter/process date of 21 days prior to the start of the HPAI outbreak (on or before 3 July 2020),” sabi ni Dar.
“All shipments will be subject to veterinary quarantine rules and regulations,” dagdag pa niya.
Ipinag-utos din ng kalihim ang pagtigil at pagkumpiska sa lahat ng shipment ng naturang mga produkto, maliban sa heat treated products, sa bansa ng lahat ng DA Veterinary Quarantine Officer/Inspections sa lahat ng major ports of entry.
Nauna na ring ipinagbawal ng DA ang pag-import ng poultry meat mula sa Brazil sa harap ng mga ulat ng COVID-19 contamination na natukoy sa isang sample ng frozen chicken wings.
Comments are closed.