BATAAN- TINATAYANG nasa P80 milyong halaga ng livestock chicken ang tuluyang naabo at hindi na napakinabangan nang masunog ang isang poultry farm sa Upper Tuyo, Balanga City sa lalawigang ito.
Base sa ulat, kasamang nalitson at nasunog ng buhay ang nasa 130,000 ng mga manok kabilang ang mga sisiw sa pagsiklab ng apoy sa Elvira’s Poultry Farm sa naturang lugar.
Ayon kay Ginang Elvira Tamayo, may-ari ng poultry farm, abala raw sa trabaho ang kanilang mga manggagawa sa farm nang sumiklab ang apoy na nagsimula sa bodega ng feeds na hindi pa nabatid ang sanhi ng sunog.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasaktan sa insidente, maliban sa daan libong livestock chicken at gusali ang naabo sa sunog.
Inaalam na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi at pinagmulan ng sunog. ROEL TARAYAO