PANSAMANTALANG naka-ban ang pagpasok ng poultry products at ibang wild birds sa Filipinas mula sa Poland, na naunang nakumpirma na may mataas na kaso ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) H5N8.
Sa ilalim ng Memorandum Order 05, Series of 2020, ipinagbawal o ipina-ban ng Filipinas ang anumang importasyon ng domestic at wild birds at mga produkto nito.
Pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar ang noong Enero 21, 2020, at ipinamahagi sa media kamakailan lamang.
Kasama sa pansamantalang ban ang karneng manok, day-old chicks, eggs, at semen na nanggagaling sa Poland.
“There is a need to prevent the entry of HPAI virus to protect the health of the local poultry population,” ayon sa order.
Matibay ring ipinatutupad ang mga sumusunod na hakbang:
1) Pagba-ban ng importasyon ng domestic and wild birds at mga produkto nito, kasama ang karne nito, day-old chicks, eggs, and semen;
2) Madaliang suspension ng processing, evaluation of the application, at pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance sa mga nabanggit na commodities;
3) Pagpapahinto at pagkumpiksa sa lahat ng shipments ng mga nabanggit na commodities (maliban sa mga heat-treated productions) sa pagpasok sa bansa ng lahat ng DA Veterinary Quarantine Officers;
4) Ang frozen poultry meat na may slaughter/process date ng 21 araw bago ang HPAI outbreaks ay pinapayagan na makapasok sa bansa pero dadaan sa veterinary quarantine rules and regulations;
5) At ang importasyon ng meat products ng manok ay dadaan sa mga kondisyon ng OIE Terrestrial Animal Health Code.
“This order shall take effect immediately and shall remain enforced unless revoked in writing,” ayon sa talata.
Comments are closed.